Thursday, June 21, 2007

huwebes: uulan kaya o hindi?

nabasa ko sa maduming dingding habang nagpapakaligaw sa Cubao:

kung iguguhit ko ang hugis ng pag-ibig, hindi ito pusong inukit sa katawan ng mangga. kundi, isa itong dahon na naligaw sa binagsakang lupa at tinuyo ng tag-araw hanggang sa madurog nang matapakan ng naghahabulang magkasintahan.

panibugho, ikaw na ang susunod.

May mga bago kaming hinulmang mga borloloy :)

Pili lang at sabihan kami agad kung mayroon kayong nagustuhan at/o gustong ipa-reserba. Tandaan, bawal kopyahin/ulitin ang mga disenyo. Sige kayo, baka kayo rin ang may makasalubong na may suot ng kaparehong pares :P

Ano pang hinihintay nyo? Pili at bili na! :)

wanda. 75.00-SOLD


tea cakes. 60.00-SOLD


sya'to. 75.00-SOLD


la bamba. 65.00-SOLD


mayaman. 100.00-SOLD


mighty bond. 115.00-SOLD


hypno. 55.00-SOLD


fox's clear candy. 125.00-SOLD


flip-flops. 45.00-SOLD


chopboard. 40.00-SOLD


butong pakwan. 35.00-SOLD

at nagkaroon na ng mga kapatid ang aming mga hikaw! tingnan nyo sina...


purple the porselas. 115.00-SOLD

tirador the kwintas. 80.00


Eto muna sa ngayon. Maraming salamat sa pagsilip (at sana, sa pagbili)! :)


mag-kwentuhan tayo. kami ay maaabot sa:
earringswithfeelings@gmail.com
earringswithfeelings.blogspot.com

No comments: